header image
 

Untitled

Ang saya ng bawat saglit na kapiling ka

Ang langit ay nagsasaya sa tuwing magkapiling tayo

Ang tamis ng suyuan, lambingan, at tawanan

Maging ang tamis ng iyong labi at ng iyong mga yakap

Na para bang pinagtagpo tayo ng langit

Ngunit Isang araw nawala nararamdaman mo sa akin

Nagunaw ang mundo ko at hindi ako makapaniwala sa nangyayari

Parang kay bilis ng mga pangyayari

Dati sabi ko sa mga nakakarelasyon ko

"Break kung break, Bahala ka sa buhay mo"

Pero nung mawala damdamin mo sa akin, nasabi ko nalang

"Ayaw ko mawala ka sa akin, Mahal na Mahal kita"

Ako’y nagmuni muni ng ilang araw at nagisip

Dapat pa bang pagpatuloy ang pagibig

Kung ang iyong kapareha ay wala nang pagibig sa iyo

Naisip ko "Naibabalik ang pagibig na nawala

Tumayo ka at kumilos bago mahuli ang lahat"

Ngayon handa na ako ibalik ang pagibig mong nawala

Mahirap kung mahirap

lahat ng paraan ay aking gagawin

Upang magkapuwang ulit ako sa puso mo

At ang pagibig mo’y mapasaakin ulit

Mahal kita walang hanggan

Ibigin ka ikaw lamang

Kailangan kita, ngayon at kailanman

At di ko nakikita sarili ko may kasamang

Ibang babae kung di ikaw lamang

Kailan kaya sasaya ang bawat saglit pag kapiling ka

Kailan kaya magsasaya ang langit sa tuwing magkapiling tayo

Kailan ko kayang matitikman muli ang tamis ng suyuan, lambingan at tawanan

Maging ang tamis ng iyong yakap at halik

Na para bang pinagtagpo tayo ng langit   

~ by franzjay on September 10, 2008.

Leave a Reply